Agconfess ak man ditoy, tagal mapost sa Artekdote yung story ko e.

Kabit... Mistress...ang salut sa pamilya..Sabi nga nila pero hindi lahat ng kabit masama.

nag ka 1st bf ako. noong 1st yr college... patago lang kasi strict si nanay... pero alam ni tatay siguro alam din ni nanay...parents always wanted their children safe at gagawin ang lahat ma protektahan lang ang anak...

HS pa lang kami alam namin na may feelings na kami... pero kami yata ung mag bf na walang date.. 1st date noong nanligaw at sinagot ko agad... hindi din kami nagkikita...pero alam mo ung masaya ka lang kahit magakasalubong... magkita kayo hi... at hello... siguro dahil simpleng kaligayan lang na "KAYO" na... parang assurance na nahal nyo ang isat isa.

3rd yr college nag stay ako sa School dorm.. medyo istriko that time nalaman na ni nanay na may bf ako kaya pina stay ako sa dorm.

Pinupuntahan nya ako pero di pinapasok ng guard kaya hanggang sulat lang kami.

Isang araw kasama ko mga dorm mates ko sa market ng nakita ko si BF may kasama girl. Di alam ng girl na ako ung gf pero i just pretend im his friend... binati ko lang at alam ko di sya mapakali... pinapawisan at panay lingon kunwari may hinahanap.. ang girl naman panay pahid ng pawis nya...

Nasaktan ako at di ko na lang pinansin... after a week pumunta sya ulit sa dorm at I broke up with him...

Saka ko nalaman na buntis ang babae... I said I made a right choice....

Nag aral ako mabuti.. divert ko attention ko sa pag aaral..after graduation I work in a hotel... my life was normal.. NO LOVELIFE... then I apply in Singapore sa Hotel din

For how many years nagkita kami... 2 ang anak... He wanted me back. Ang sabi hindi sila kasal ng girl.

I admit may feelings pa rin ako... until nag simula ulit ang communication namin. Ilang buwan na nag text kami..wla pa.facebook, whatsapp at viber noon... text at sulat lang...

Pero nalaman ng babae, she knows me as 1st gf... kinausap ako... pero siguro un pa lang ung moment na naging masaya ka sa buhay mo at doon mo pa lang naramdaman na magmahal at naging masaya... kaya pinaglaban ko kahit alam ko na MALI... na may anak sila...

When I talk to my mom... sabi nya lahat gagawin di lang kami magkatuluyan.. and I know na ganun ang sasabihin... until pumunta ang girl dinala birth certificate ng mga bata at marriage contract.sa nanay ko...

syempre masakit sa akin still hoping hindi sila kasal. I talk to him at ang sabi fake daw at naniwala ako...

Kahit hindi kami nagkikita o magkasama I saw myself as a MISTRESS...KABIT...MANG AAGAW... 4 months na communication ang saya ko... pero syempre may doubt din.

I do something bago ako umuwi... kumuha ako ng CENOMAR nya I authorized someone... at doon ko nalaman na he is legally married... di na ako nagpakatanga... I broke up with him the second time. Masakit pero at least napaaga ng nalaman ko.ang katutuhanan...

after that...doon na sya nagloko..nambabae...bisyo..sugal.. pero di ko na kasalanan un.

I talk to the girl asking forgiveness... pati sa dalawang bata kasi may isip na sila alam na nila na AKO ANG KABIT NG TATAY NILA...

Mahirap maghintay mapatawad nila ako pero di ako nawalan ng pag asa... I am there willing to wait...

Until oneday... nag text ang panganay na anak ang sabi "Tita pwede ka tumawag si Mama.hindi umuwi kami lang dito ng bunso"... di ako nagdalawang isip tumawag kausapin sila until nakahanap ako mg contact na mag hanap sa nanay nila... she was in suicidal and depression case dahil sa mga babae na pumupunta sa bahay nila...at iba pa...I assign someone to watch over them... kahit doon man lang makabawi ako sa kasalanan ko.

I message DSWD to assist mga bata without their knowledge na ako nag utos...

sa ilang buwan wala ako.ginawa kundi alalayan silang mag ina...

until the mother apply as domestic helper in Singapore at magkasama kami... the friendship grows at ako ang sinasabihan nya ng problema sa asawa nya na naging EX ko...

Simula ng umalis sya nagpaganda sya tudo at nagsikap para sa mga anak..

Ngayon... the guy courting her... di man maalis na mahal pa rin nya ang asawa nya...

Now they are happy family na magkasama sa graduation ng bunso nila...

Ngayon masabi ko proud pa rin ako kahit naging KABIT dahil ginabayan ako ng Panginoon sa magandang buhay para sa akin...

I am happily married too.

HOPE MAKAKUHA Kayo ng aral sa aking kwento.