Skip to main content »

Magkaibigang inabutan ng lockdown sa Baguio, naging magjowa

Dalawang magkaibigan ang nagkaaminan ng kanilang damdamin sa isa't isa habang sila ay na-stuck sa Baguio dahil sa lockdown.

Mahabang panahon man na sila ay naging magkaibigan, sa huli ay magkaka-ibigan din pala.

Sa ulat ng Saksi, ang hindi inaasahang sitwasyon dulot ng pandemiya ag nagbigay ng daan para kay Jex Vilar at Zaldy Faller na lalo pang magkakilala at magkamabutihan.

"Kami lang eh! Wala kaming ibang kausap," saad ni Jex.

Isang araw umano ay tinanong ni Zaldy sa kaniya, "Ano tayo na ba?"

Hindi wari ni Jex na mayroon na palang paghanga sa kanya ang binata mula pa noong 2008.

Ayon sa ulat ay ligtas na nakabalik sina Jex at Zaldy sa kanilang tahanan sa Maynila, at ang kanilang totohanang first date ay makakapag-antay.

"Plano naming mag-date na hindi na makapag-facemask!" sabi ni Jex.

Ang Luzon ay naisalagay sa enhanced community quarantine noong March 17 at na-extend pa ng ilang beses. Nitong Mayo ay nagluwag na ng mga panuntunan sa Metro Manila, at naisailalim sa general community quarantine ng Hunyo 1.

Credits: GoCavite, Gma News

#LockdownLove #covid19 #Baguio #coronavirus #SAKSI #JexZaldy

40 likes 3 comments