Skip to main content »

Frontliner na nurse, pinara sa checkpoint para bigyan ng bulaklak

Pinara ni Mamang Pulis ang sasakyan ng frontliner na nurse na mukhang pagod at puyat galing trabaho sa Baguio City.

Pulis: Magandang hapon po Maam, pakibuksan po ang bintana ng inyong sasakyan at baba po muna kayo.

Nurse: (Medyo Kinabahan) Bakit po? may violation po ba kami?

Pulis: Wala po Ma'am, tanggapin po ninyo etong bulaklak bilang tanda ng paghanga at respeto namin sa inyong mga Frontliners sa Medical field na laging nandyan at handang tumulong sa may mga karamdaman.

Nurse: Maraming salamat po.

Pulis; Mas higit po ang aming pasasalamat sa inyo at magandang araw po.

#PNPCaresForFrontliners
#WeHealAsOne
#Frontliners
#Baguio

via igorotage.com
via igorotage.com
via igorotage.com
63 likes 1 comment
  • This simply act of kindness is what helps us survive another pandemic.