Skip to main content »

San Juan Mayor at 30 pa, nilampasan mga checkpoint at triage sa Baguio?

Nilampasan umano ni San Juan Mayor Francis Zamora ang mga checkpoint at COVID-19 testing center sa Lungsod ng Baguio upang dumiretso sa Baguio Country Club.

Nagbitbit din ito ng entourage na 30 katao, ayon sa kumpirmasyon ni Baguio Sumbungan Forums moderator Dr. Clinton Balud.

Sabi ng netizen na si Kim Godeloson, "may instruction na sinabing dumiretso siya (Zamora) ng 'triage' pero hindi ito sumunod."

Dumiretso umano ang alkalde at mga kasama nito sa BCC "para magpasarap."

Pero, wika ni Balud, sinumbong ng club kay Baguio Mayor Benjamin Magalong ang ginawa nina Zamora kaya pinabalik umano ang mga ito sa triage.

Wala pang pahayag si Magalong sa insidente, pero naglabas kahapon si Baguio Police Director PCol. Allen Co ng pabatid.

Wika ni Co, sa Facebook page ng Baguio PIO, epektibo maging sa mga very important person at kapulisan ang kanilang patakarang cross-border checkpoint at paunang triage check sa sinumang papasok sa lungsod.

"This is to reiterate to the public that Baguio City is strictly implementing Cross-Border Checkpoints and initial Triage checks to whoever enters the city regardless of who the person is," ayon kay Co.

"We stress that the same rule applies to all VIPs and PNP members whether they are entering Baguio on their own or serving as an escort or security to somebody."

"Baguio's ace against COVID-19 is its discipline. Its people take the rules to heart. So please do as the Baguioans do: follow our rules even before you get to our place," wika pa nito.

Updates:

San Juan Zamora's statement:
www.igorotage.com/p/XYBY97dB8

Baguio Mayor Magalong's statement: www.igorotage.com/p/y3BzoPQgp

#Zamora #SanJuan #Baguio #BaguioCountryClub #Magalong #COVID19 #quarantine

48 likes 1 comment