Sa katapangan ng 45th infantry batallion na pinamunuan ni Lt Col Ruben Guinolbay mula Ifugao. Nasakmal ng tropa ng Joint Task Force Sulu ang mga teroristang Abu Sayyaf sa engkwentrong naganap sa Latih, Patikul, Sulu alas sais kagabi, ika-22 ng Abril 2020.

Nilapitan ng tropa ng 45th Infantry Battalion na pinamunuan ni Lt Col Ruben Guinolbay ang mga bandido kaya agad itong nabigwasan.

Kumaripas ng takbo ang mga bandido nang paisa-isa silang tinamaan sa naturang bakbakan na umabot ng kalahating oras.

Tinugis sila ng tropa sa running gunbattle hanggang nagkakahiwalay sila sa sobrang takot nang dumami ang natamaan sa kanilang hanay.

Natagpuan ng mga sundalo ang 3 sa mga napatay na bandido at nabawi ang mga personal na kagamitan na kinuha nila sa mga 11 na namatay kamakailan lang.

#RubenGuinolbay
#Ifugao #PatikulSulo #ambush #resbak