Skip to main content »

Pulis, Patay; Isa Pa, Sugatan Sa Sagupaan Ng Mga Pulis at NPA Sa Mountain Province

Patay ang isang pulis habang isa ang sugatan matapos nilang makabakbakan ang mga kasapi ng Communist New Peoples Army sa Bauko, Mountain Province.

· 43 sec read

BAGUIO CITY – PATAY ang isang pulis habang isa ang sugatan matapos nilang makabakbakan ang mga kasapi ng Communist New People’s Army sa Mt. Kapuwaw, Bagnen Proper, Bauko, Mountain Province kaninang umaga, March 29.

Sa panayam ng PTV Cordillera kay PMaj. Bernard Wong mula sa Investigation Section ng Mountain Province Police Office, sinabi nito na binawian ng buhay si Pat. Wilfredo Padawil na taga Tetep-an, Sagada, Mountain Province habang ginagamot sa Luis Hora Memorial Hospital.

Aniya, nagpapagaling naman ngayon ang nasugatang si PCpl. Irpeel Lapniten na taga Bayoyo, Buguias, Benguet.

Una nang inihayag ni PNP chief PGen. Oscar Albayalde sa kanyang pagdalaw sa Police Regional Office Cordillera kaninang umaga na naglunsad ng operasyon ang Regional Mobile Force Battalion sa nabanggit na lugar kasabay ng pagdiriwang ng NPA ng kanilang anibersaryo ngayong araw.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang clearing operations sa nasabing lugar.

Source: GEvascoD, PTV Cordillera


Police NPA clash MountainProvince

Originally written · Last updated

Except as otherwise noted, the content of this page is licensed under the Creative Commons Attribution 3.0 License.

Join the discussion

Sign in to share your thoughts. No account yet?

What will you learn next?

You might also like to read these related articles.

Uncommon True Valor Story of An Igorot Scout Ranger

This Igorot Scout Ranger was awarded the "Medal of Valor", the highest award in the Armed Forces of the Philippines for his bravery.

10 Things Everyone Should Know About the Igorot People

I'm sure many of you are still wondering who the Igorots are. To give you a few hints, here are some character traits that are common among Igorots.

Igorot Police From Besao Is the Highest Ranking Official of PNPA Class 1998

Jonathan Calixto, a proud son of Besao, Mountain Province is now the highest ranking official of the Philippine National Police Academy Class of 1998

Carrotman: The Unexpected Journey of the Igorot Jeyrick Sigmaton

Jeyrick "Carrotman" Sigmaton, a simple Igorot farmer, an internet sensation.