Skip to main content »

LOOK: Boluntaryong ibinalik ni Ginang Imelda Sibayan, isang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program mula Gibraltar, Baguio City ang natanggap na Php 4,150 mula sa second tranche ng Emergency Subsidy Program.

Ayon sa kanya, nakatanggap ang kanyang anak ng ayuda sa ilalim ng DOLE CAMP kaya niya ito kusang ibinalik para makatulong din sa ibang nangangailangan. Dagdag din ni Ginang Imelda na alam niya ang polisiya na bawal tumanggap ng dobleng ayuda mula sa pamahalaan sa ipinapatupad na community quarantine.

Lubos ang pasasalamat ni Ginang Imelda sa mga ayudang kanilang natanggap mula sa pamahalaan.

Sana ay marami pang katulad ni Ginang Imelda ang may pusong tapat at may diwang malasakit sa kapwa.

Courtesy: Ellen William, SWO III

#DSWD #2ndTranche #volunteers #PantawidPamilya #Baguio #Gibraltar

via igorotage.com
17 likes 1 comment