Skip to main content »
Igorotage

High School Graduate mula Kalinga, Isa ng ganap na Sundalo

High school graduate na anak ng magsasaka mula Mallango, Tinglayan, Kalinga, isa ng ganap na miyembro ng Philippine Army.

Private Kevy B Bantoc tubong Mallango, Tinglayan, Kalinga, 98 Infantry (MASINAG) Battalion Bravo Company

Siya si Private Kevy B Bantoc tubong Mallango, Tinglayan Kalinga ipinanganak siya noong 24 November 1996. Ating tunghayan ang kwento ng kanyang buhay, kung paano siya nakapasok sa Philippine Army at kung paano niya nakamit ang mga pangarap niya sa buhay.

Si Private Kevy B Bantoc ay pang apat sa anim na magkakapatid. Siya ay nakapagtapos ng sekondarya lamang noong 2014. At ang kanyang mga magulang ay magsasaka lamang. Pero kahit ganun ay napagtapos naman nila sa kolehiyo ang dalawa sa kanilang mga anak.

Ngunit lingid sa ating kaalaman na ang kanyang ama ay dati ring naninilbihan sa ating bayan. Ang kanyang ama na si Robert G Bantoc ay dating miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit(CAFGU) taong 2008 hanggang 2016. At ako ay namangha sa kagandahang loob meron ang kanyang ama, sapagkat simple lang naman ang pamumuhay na meron sila ngunit nagawa niyang ibahagi ang kakarampot na lupa na kanilang sinasaka upang may mapatayuan lamang ng detachment na tutuluyan ng tropa taong 2008.

At bago siya naging Enlisted Personnel. Si Private Kevy B Bantoc ay naging CAFGU ACTIVE AUXILIARY(CAA) din siya taong 2018 hanggang 2019. At noong 07 February 2020 ay pumasok siya sa Division Training School(DTS) 5ID, PA para magsanay, magpalakas sa loob ng anim na buwan upang maging isang magiting na sundalo sa ating bayan. At nitong 09 July 2020 nga lang ay nakapagtapos na siya ng Candidate Soldier Course Class 629(MAKASINDAK)-2020. At nakadestino siya ngayon sa 98 Infantry (MASINAG) Battalion Bravo Company bilang Rifle man at Tail Scout ng kanyang squad.

Hindi rin biro ang mga napagdaanan niya sa buhay bago niya nakamit ang kanyang mga pangarap. Masasabi ko na si Private Bantoc ay isang maparaan, matatag na tao. Dahil siya yung taong gagawin ang lahat upang magkaroon ng maganda at marangal na trabaho upang makatulong sa kanyang pamilya. Kaya hindi importante kung anuman yung mga narating mo sa buhay, kahit High School Graduate ka lang basta may pangarap at plano ka sa buhay meron at meron kang mararating.

Source: 98IB Bravo Company



Sharing is caring, kailian!

We do hope you find something great in this story. If you find this helpful, please do share it with the people you care about.


Igorotage is a platform for people to share their thoughts and ideas. The views expressed on Igorotage are the opinions of the individual users, and do not necessarily reflect the views of Igorotage.

Comments (1)

Sign in to share your thoughts. No account yet?

What to learn next?

You might also like to read more related articles filed under People — or jump to a random article!

People Surprise me

Four Sisters from Remote Kalinga Town Pass LET, Inspire Aspiring Teachers

Four sisters from a remote town in Kalinga, all passed the Licensure Examination for Teachers (LET), inspiring aspiring teachers around the country.

Jan 5 · 2 min read

Kalinga Teacher is Top 3 in Public Safety Basic Recruit Course

PAT Revelyn Gay A. Dawing, a proud Kalinga Teacher-Police Officer, graduated Top 3 of the Public Safety Basic Recruit Course RTC3 Class 2021-02.

Oct 19, 2022 · 2 min read

'Eskwelaan' Singer Jason Blaza Lost in Tragic Road Accident

"Eskwelaan" singer Jhay Blaza, a 42-year-old band vocalist from Kalinga, passed away after succumbing to injuries sustained in a road accident.

Sep 14 · 2 min read

Sergeant Sessy Lou Bucalen-Salazar: Cordilleran Soldier Makes History at WCOPA

Sergeant Sessy Lou Bucalen-Salazar from Kalinga made history by becoming the first Cordilleran to win three medals at the 2023 WCOPA.

Aug 5 · 2 min read

65-Year-Old Nurse Lola Veronica: Baguio's First Female Taxi Driver

The inspiring story of Lola Veronica, the 65-year-old nurse breaking barriers as Baguio City's first female taxi driver.

Sep 1 · 2 min read

Maricris Lad-ey-Neyney: Igorot Mom Tops 3 Board Exams

Maricris Lad-ey-Neyney, an Igorot mom from Benguet province, has topped three board exams and is now a licensed psychologist.

Aug 19 · 2 min read

Cordilleran Captain awarded Gold Cross Medal for neutralizing BIFF leader Motorola

Cordilleran Captain Ignacio Gumilab Jr. was awarded the Gold Cross Medal for his role in the neutralization of Zukarno Guilil, also known as Motorola.

Aug 15 · 2 min read

Ifugao Tong-il Moo Do Team Wins Big in National Championships 2023

Ifugao Tong-il Moo Do team wins big in the 2023 National Championships of Tong-il Moo Do, winning 9 medals in the sparring and bon competitions.

Aug 14 · 2 min read

Teacher's Kindness Transforms Student's Life, From Financial Hardship to Becoming a Doctor

A young boy from Benguet couldn't pay the miscellaneous fees to take his final exams. But one teacher's act of kindness changed his life forever.

Aug 2 · 2 min read

Igorot Math Genius: Tristan Sannad Chatoy Ranks No. 1 in Canada

Tristan Sannad Chatoy, a Genius Igorot, ranks number one in math in Canada. He is also a member of the prestigious Canadian Mathematical Society.

Aug 1 · 2 min read